HomeBusinessAgarang aksyon sa sobrang...

Agarang aksyon sa sobrang dami, kolurom na mga TNVS at MC taxi

PADAMI nang padami ang katibayan na mayroong malawakang di-otorisadong operasyon (kolurom) at sobrang dami na ng mga ride-hailing at motorcycle taxi sa bansa.

Kaya ang sektor ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) at MC taxi ay nananawagan na pabilisin ang pagbuo ng regulasyon para sa seguridad ng mga pasahero, kapakanan ng mga drayber at pananagutan ng bawat platform.

Batay sa datos mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa kabuuang 56,000, nasa 40,000 o 72% ng TNVS ay kolurom.

Kaya lumalabas na sobra-sobra na sa kinakailangan ang ilang opereytor tulad ng Move It kung saan mula 14,000 inatasan na ito na magbawas hanggang 7,000 riders na lang.

Tulad ng Move It, naging isyu rin ito sa kaso ng Grab kung saan lampas na sa itinakdang quota ang bilang ng kanilang mga rider at driver.

Samantala, itinawag na rin ang kahalintulad na isyu sa inDrive kung saan dumarami rin umano ang di-rehistradong mga drayber na nagpapakitang may problema sa monitoring at data transparency.

Ito ay nangangailangan ng agarang aksyon. Dumadaing ang lehitimong mga drayber dahil hindi umano patas ang labanan sapagkat sila ay dumaan sa tamang proseso at sinunod ang mga requirements sa pagpaparehistro.

BASAHIN  Produktong gawa sa niyog at durian tampok sa IFEX Philippines 2024

Talo umano rito ang mga pasahero o komyuter dahil makokompromiso ang kanilang kaligtasan at seguridad dahil sa mga kolurom na opereytor.

Sa kabila ng ganitong kalagayan, patuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamimigay ng pinansyal na ayuda sa mga epektadong manggagawa sa sektor ng transportasyon.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, mahigit 478,000 mga daryver sa buong bansa ang nakatanggap ng ₱5,000 bawat isa, na nagkakahalaga ng mahigit sa ₱2.3 bilyon.

Ikinagulat ng mga opisyal ang kanilang natuklasan sa pamamahagi ng nasabing ayuda dahil may mga lumalabas na di-tugma na mga datus na isinumite ng mga transport network companies.

Sinabi pa ni Dumlao na marami umanong mga drayber ang hindi naisama sa listahan at ang iba naman ay napatunayang nagsasagawa ng “multi-homing” o nago-operate sa ibat ibang platform.

Nananawagan ngayon sa pamahalaan ang mga apektado na gumawa na ng agarang solusyon lakip sa isyung ito ito ang full audit ng TNVS at MC taxi platforms at magpataw ng kani-kanilang beat.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA