Tindahan ng paputok natupok

Share

NATUPOK ang isang tindahan ng mga paputok limang minuto pagkatapos salubungin ang bagong taon sa Sumulong Football Field, Brgy. Dela Paz, Antipolo City, Enero 1.

Sa inisyal na imbestigasyon na inilabas ng Rizal Provincial Police Office, nagsimula ang sunog nang mag-malfunction ang isang aerial firework na ginamit sa pagdiriwang ng New Year.

Ayon pa sa report, natumba umano ang paputok sa halip na lumipad pataas, kung kaya sumabog ito sa ibaba at nasunog ang kalapit na tindahan dahil mabilis na kumalat ang apoy.

Pitong minuto lang ang tinagal ng nasabing sunog dahil sa mabilis na pag-responde ng mga bumbero at iniulat sa Antipolo Component City Police Station dakong ala-1:30 ng umaga matapos ang imbestigasyon.

BASAHIN  3 stall sa Puregold nilimas

Walang iniulat na nasaktan sa nasabing insidente.

IBA PANG BALITA

TESDA, STI nag-kolab para sa libreng AI training

ISANG kolaborasyon sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at STI College (STI) ang nabuo upang itatag ang Artificial Intelligence (AI)...

Pinoy na jobless bumaba sa 2.58M nitong Marso 2026

NITONG nakaraang buwan ng Marso 2026, ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay nasa 2.58 milyon, mas mababa sa 2.66 milyon noong...

‘Training-to-Trabaho’ caravan ng TESDA patok sa Cebu

MAY kabuuang 811 Cebuanos ang naserbisyuhan ng Technical Education and Skills Development (TESDA) sa pamamagitan ng Kayang Kaya All-in-One Caravan na ginanap sa SM...

DWWW’s George Castro: Oldies but Goldies

WEIRDO! Ito ang tawag ng kanyang friends sa isang teenage fan ni George Castro, DJ ng DWWW, dahil mahilig itong makinig ng oldies but goldies...

Panibagong usapang pangkapayapaan sa NPA, ekis kay Teodoro

WALANG negosasyong magaganap sa isinusulong na panibagong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at New Peoples Army (NPA), ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro...

10K trabaho alok sa Mega Job Fair ng Malabon

NAKALAAN na ang nasa mahigit 10, 227 bakanteng trabaho mula nakilahok na 81 lokal at ibang bansa na kumpanya at recruitment agencies  para sa...