Bato hindi “matic” ibibigay ng Pinas sa ICC

Share

HINDI awtomatikong iha-hand over ng pamahalaan si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa International Criminal Court sakaling ihahain dito ang warrant of arrest.

Ito ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin at binigyang-diin na ibang kaso ito sa sinapit ng dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan hindi humadlang ang gobyerno nang isakay ito sa isang pribadong eroplano papuntang The Hague, Netherlands.

Sinabi ni Bersamin na alinsunod umano ito sa bagong kautusan na inilabas ng Korte Suprema kung saan kailangang idaan sa bagong patakaran ang isang extradition na hindi inabot sa kas oni Duterte.

“Hindi na gayun. Batay sa inilabas na bagong patakaran ng Korte Suprema, kailangang idaan muna sa isang korte ang isang akusado bago ito ibigay sa isang bans ana humihiling ng extradition,” ang pahayag ni Bersamin.

BASAHIN  Bagong chairman ng PCSO na si Felix Reyes ibinida ni GM Mel Robles

Sa ilalim na bagong kautusang ito, kailangan munang tiyakin ng isang korte ang validity o pagiging totoo ng ng extradition request.

Proteksyon umano ito sa isang Filipino citizen at hindi basta-basta na lang i-hand over sa isang banyagang bansa na nag-request nito na hindi muna dadaan sa pagsisiyasat ng korte ng Pilipinas.

Ang nasabing arrest warrant ay may kaugnayan sa koneksyon ni Dela Rosa sa war on drugs sa panahon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pangunahing ipinatupad ito ng senador.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Angara sa mga kontra CSE: Bukas ang DepEd sa inyong mga mungkahi

INIHAYAG ni DepEd Secretary Sonny Angara na bukas ang pamunuan ng ahensiya sa anumang mungkahi kaugnay sa viral video na tumatalakay sa Comprehensive Sexuality...