PINANGALANAN ng beteranong mamamahayag na si Ramon “Mon” Tulfo ang lalaking heneral sa viral video na nanutok ng baril sa isang nakasagutang drayber sa Maandaluyong City noong Hunyo 17 ngunit in-upload nito lamang Hunyo 26, 2026.
Ayon kay Tulfo ito ay si retired Rear Admiral Ramon Punzalan ng Philippine Navy kung saan ang katumbas na ranggo nito ay isang Major General sa Army, Air Force, o Marine.
Si Punzalan ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1976 at dating Chairman at CEO ng PMA Alumni Association, dagdag pa ni Tulfo sa isang social media post nito lamang Hunyo 27.
“I’m sure this guy, being in the Navy, didn’t experience combat when he was in the service, the reason he’s taking it out on an unarmed civilian to prove he’s a man. You’re a coward, Admiral sir!” sambit ni Tulfo.
