NCMF may 2 bagong komisyoner na Maguindanaon

DALAWANG bagong komisyoner ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tubong Maguindanao bilang tugon sa pantay na representasyon ng mga etnikong grupo na bubuo sa ahensya.

Pinangunahan ni Commissioner Sabuddin Abdurahim, na nagsisilbi ring kalihim ng komisyon, ang magkahiwalay na panunumpa nina Hadji Usop “Joe” Zaide Kasan at Atty. Syed Kamal Reza Ampatuan mula sa lalawigan ng Maguindanao del Sur, noong Hunyo 9, 2026, na sinaksihan ng kani-kanilang pamilya.

Dating Director ng Bureau of Pilgrimage and Endowment (BPE) si Kasan sa ilalim ng binuwag na Office on Muslim Affairs (OMA) samantalang si Atty. Ampatuan naman ay isang bagong abogado at anak ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary for Bangsamoro Concerns Zamzamin Ampatuan, na dati ring executive director ng OMA.

Sa kasalukuyan, pang anim at pang pito na sina Kasan at Ampatuan na komisyoner matapos italaga kamakailan ang 2 pa kapuwa mula sa lalawigan ng Lanao at 2 rin mula sa Western Mindanao (Region 9) kaya dalawang upuan pa ang bakante para makumpleto ang siyam na hinihiling na bubuo bilang kinatawan ng lupon.

“Ang okasyong ito ay isang mahalagang milestone sa higit pang pagpapalakas ng pamumuno ng Komisyon at pagsusulong ng mandato nitong itaguyod at protektahan ang kapakanan, karapatan, at interes ng mga Muslim na Pilipino sa buong bansa,” ang opisyal na pahayag ng NCMF.

Ang inklusibong pag-unlad at ugnayan sa komunidad na mga programa ang gagampanan ni Kasan samantalang kapakanan naman ng kabataang Muslim ang isusulong ni Ampatuan maliban sa pagiging kinatawan ng sektor ng kabataan sa pamahalaang Bangsamoro.

Bagama’t hamon ang pagpapanatili sa interes ng kanilang tribu, inaasahan ng mga tagamasid na malaki ang magiging kontribusyon ng dalawa sa ikasusulong ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa kabuuan.

Batay sa ulat, wala pa umanong Kalihim o pinuno ng ahensya mula sa kanilang tribu ang naupo o naitalaga mula nang maitatag ang NCMF noong 2010 sa ilalaim ng Republic Act 9997 kung kaya limitado lamang ang naging mga kawaning Maguindanaon sa Central at Regional Offices, maliban na lang sa Cotabato City.

Pinasasalamatan ng mga Maguindanaon ang inisyatiba ni Minister Jordan S. Bayam ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG-BARMM) upang isulong ang pagtatalaga kina Kasan at Ampatuan.

IBA PANG BALITA

Marcos courts global investors in Singapore following economic status upgrade

PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. has made a direct pitch to global investors here, urging them to partner with the Philippines as it enters...

Cultivating Creativity: 9th Ortigas Art Festival brings “Art for All” to GH Mall

THE intersection of community and culture takes center stage as the 9th Ortigas Art Festival transforms GH Mall into a vibrant, multidisciplinary hub of...

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

Grassroots groups urge Mayor Isko Moreno to ban indoor smoking and vaping areas in Manila

A coalition of 25 grassroots organizations has called on Manila Mayor Isko Moreno to implement a total ban on indoor designated smoking and vaping...