Home News Senate Lacson: Impeachment trial ni VP Sara sa Hunyo pa lalarga

Lacson: Impeachment trial ni VP Sara sa Hunyo pa lalarga

0
Following former Public Works Secretary Manuel Bonoan’s claim, Lacson said senators in the 19th Congress received ₱24 billion in leadership funds from the Department of Public Works and Highways (DPWH). (Photo: Senate of the PH-FB)
Advertisement

INIHAYAG ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na posible aniya na sa Hunyo pa magsisimula ang impeachment trial sa senado laban kay Vice President Sara Duterte kahit pa may mga nananawagan na simulan ito kaagad.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Lacson na nais umano ni Senate President Tito Sotto III na simulan agad ang pagdinig sa oras na matanggap nila ang Articles of Impeachment mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Sa oras na matanggap namin ang Articles of Impeachment, susundin namin ang proseso, ang sinasabi natin dito ay at least tatlong lingo bago ang aktuwal na magsisimula ang trial,” ang sabi ni Lacson.

Advertisement

Ayon pa sa senador, kailangan nilang ayusin ang mga legal procedure kasama na ang ipapadalang summon sa opisina ng Pangalawang Pangulo, at hihintayin pa ang tugon nito.

Dagdag pa rito ay ang pagsagawa ng preliminary conference sa pagitan ng mayorya at hindi mayoriya at dapat pa aniyang pagpasiyahan ang mga stipulations at mga ebidensya bago ang petsa ng trial.

Advertisement
Show comments
Exit mobile version