PARA PALAKASIN ANG PROTEKSYON, KARAPATAN SA IP

Help Desk ng IPOPHL pinasinayaan sa VMall

BUKAS na ang Help Desk ng National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR) sa VMall, Greenhills sa San Juan City para sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na nagnanais matuto pa ng higit hinggil sa IP rights protection.

Sa pakikipagtulungan ng Ortigas Malls at Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) layunin ng proyektong ito na palakasin ang ethical commerce at para protektahan ang intellectual property (IP) ng isang negosyante.

Sa kasalukuyan, kilala na ang Greenhills na pangunahing destinasyon ng mga shoppers pagdating sa mga itinitindang authentic na mga local at international goods and products.

Bukas din ang nasabing Help Desk na i-educate ang mga manininda at mga nagpo-produce ng sariling-gawa na mga produkto kung gaano kahalaga na protektahan ang kanilang tuklas at imbento.

Magkakaroon din ng direktang suporta mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drug Administration (FDA) para tumulong sa pagpapa-rehistro ng kanilang brand upang matiyak na mga tunay at hindi peke ang mga itinitinda nila sa kanilang mga puwesto sa loob ng mall.

Bukas din ang nasabing Help Desk na i-educate ang mga manininda at mga nagpo-produce ng sariling-gawa na mga produkto kung gaano kahalaga na protektahan ang kanilang tuklas at imbento. (Contributed photo)

Binigyang-diin ni James Candelaria, AVP-Head of GH Mall Operations, na mahalaga aniya itong hakbang upang lalo pang maging matibay ang pananagutan na protektahan ang intellectual property rights at isinusulong ang patas na pagnenegosyo.

“Kinikilala natin na ang intellectual property protection ay hindi lamang isang legal na responsibilidad, kundi isa ring pundasyon para sa inobasyon, pagiging malikhan at tuloy-tuloy na pag-unlad ng negosyo,” ang pahayag ni Candelaria.

Ayon pa kay Candelaria, seryoso aniya ang Ortigas Malls sa kanilang pangako na titiyakin nila na tunay at de-kalidad lamang na mga produkto ang ibinibenta sa loob ng Greenhills.

“Nauunawaan namin ang kahalagahan na dapat kaming pagtiwalaan ng aming mga mamimili at sisiguraduhin namin na sumusunod ang bawat isa sa umiiral na mga batas,” dagdag pa ni Candelaria.

Para sa mga Filipino business owners.

Ang NCIPR Help Desk nago-offer ng:

  • On-site Consultations: Direct access to experts for guidance on trademark registration and IP rights.
  • Business Transition Support: Assistance for “tiangge” and flea market traders to pivot toward selling legitimate, authentic, and locally-produced goods.
  • Rights Enforcement: A streamlined channel for reporting IP violations and seeking immediate assistance.

Sa panig naman ng IPOPHL, sinabi ni Atty. Nathaniel Arevalo, Supervising Deputy Director General at NCIPR Vice-Chair na isa itong “whole-of-society” approach upang pag-isahin ang mga ahensya ng pamahalaan, private sector partners, stakeholders at ang publiko upang isulong ang IP rights at proteksyon.

“As we advance these efforts, we align ourselves with the vision of a Bagong Pilipinas, a nation characterized by integrity, accountability, and inclusive progress. Strengthening intellectual property protection is a vital part of this vision, ensuring that innovation is rewarded, fair competition is upheld, and consumer trust is protected,” ayon pa kay Arevalo.

Ang NCIPR Help Desk ay nasa 4F ng VMall at bukas na sa publiko.

IBA PANG BALITA

19 Disseminators sinanay ng PH Red Cross

LABING SIYAM na mga indibiduwal ang nakatanggap ng pagsasanay kung paano pasusulungin pa ang makataong pakikipag-ugnayan sa komunidad sa Disseminators Training na ginanap sa...

VP Sara: Ang totoong magnanakaw, sa maleta pinapasok ang pera

ITO ang tahasang sinabi ni Vice President Sara Duterte laban sa aniya’y mga naninira sa kaniya matapos ipresenta sa House Justice Committee ng mga...

DOJ: Zaldy Co hindi arestado sa Czech Republic

INAMIN ng Department of Justice (DoJ) na hindi arestado ng bansang Czech Republic si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co ngunit “nananatiling nasa...

Impeachment trial ni VP Sara pinaghahandaan na ng mga senador

KUNG titingnan ang kasalukuyang kalagayan sa ginagawa umano na “judicial inquiry” ng House Justice committee, tila naghuhudyat ito na tuloy-na-tuloy na ang impeachment trial...

DSWD: ₱2.7-B ang nawalang pera para sa mga rider kung idinaan sa e-wallet

INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na posible umanong nawala na parang bula ang halos ₱3 bilyong financial assistance para sa...