DAHIL SA SANGKATUTAK NA REKLAMO

Distribusyon ng ayuda sa mga drayber ng TNVS iniwasan ni PBBM?

HINDI na tumuloy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para saksihan sana ang distribusyon ng P5,000 pinansiyal na ayuda para sa mga drayber ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS).

Ito’y matapos mapag-alaman na ang dami umanong umaangal sa matagal na paghihintay at mahabang pila ng mga benipisyaryo na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

May ilan na kumukwestyon sa listahan ng mga makakatanggap ng ayuda mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Ayon sa ilang ulat, may mga rider na apat na beses nang pabalik-balik dahil wala sa listahan ang kanilang pangalan samantalang ilang taon na umano silang namamasada.

Sa ilang distribution area tulad ng Quezon Memorial Circle, kakaunti lang umano ang mga pumipilang drayber kung kaya’t posibleng isa ito sa mga dahilan na hindi na sumipot si Pangulong Marcos.

Bagama’t may ipinamimigay umanong pagkain ang DSWD, marami pa rin ang umaangal na gutom pa rin sila at pagod na dahil ang ilan sa kanila ay alas-4 pa ng umaga pumila.

IBA PANG BALITA

Tax sa yaman ng pinakamayayaman, pagtaas ng sin tax ipinanukala ni Diokno

IPINANUKALA n Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na itaas ang buwis sa sin products, bilang kapalit ng dalawang porsyentong mababawas sa value-added tax (VAT)...

Asset ng mga banko sa Pilipinas nasa ₱29-T na

DAHIL sa pagtaas ng lending at paglipat sa pamumuhunan sa government securities, umabot na sa ₱29 trilyong ang kabuuang asset ng lahat ng bangko...

Higit ₱6-B transaksyon ni VP Sara, asawa kaduda-duda

SA PAGPAPATULOY na pagdinig ng House Committee on Justice ngayong araw ng Miyerkules, sinabi ng isang opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nai-flagged...

Romualdez pinagbawalang lumipad patungong Singapore

HINDI pinahintulutan ng Office of the Ombudsman si dating House Speaker Martin Romualdez na pumuntang Singapore para sana umano sa isang medical chek-up. Ito ang...

Senado, naghahanda na sa impeachment laban kay VP Sara

Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III na pinulong niya ang mga kasapi ng Senate Majority Bloc ukol sa pagpapa-impeach ngayon kay Vice President...