Home News Palace Distribusyon ng ayuda sa mga drayber ng TNVS iniwasan ni PBBM?

Distribusyon ng ayuda sa mga drayber ng TNVS iniwasan ni PBBM?

DAHIL SA SANGKATUTAK NA REKLAMO

0
Ilan sa mga TNVS drivers na naghihintay sa ipinamamahaging financial aid mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD sa Quezon Memorial Circle. (Photo: PTV 4)
Advertisement

HINDI na tumuloy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para saksihan sana ang distribusyon ng P5,000 pinansiyal na ayuda para sa mga drayber ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS).

Ito’y matapos mapag-alaman na ang dami umanong umaangal sa matagal na paghihintay at mahabang pila ng mga benipisyaryo na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

May ilan na kumukwestyon sa listahan ng mga makakatanggap ng ayuda mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Ayon sa ilang ulat, may mga rider na apat na beses nang pabalik-balik dahil wala sa listahan ang kanilang pangalan samantalang ilang taon na umano silang namamasada.

Advertisement

Sa ilang distribution area tulad ng Quezon Memorial Circle, kakaunti lang umano ang mga pumipilang drayber kung kaya’t posibleng isa ito sa mga dahilan na hindi na sumipot si Pangulong Marcos.

Bagama’t may ipinamimigay umanong pagkain ang DSWD, marami pa rin ang umaangal na gutom pa rin sila at pagod na dahil ang ilan sa kanila ay alas-4 pa ng umaga pumila.

Advertisement
Show comments
Exit mobile version