Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III na pinulong niya ang mga kasapi ng Senate Majority Bloc ukol sa pagpapa-impeach ngayon kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sotto, pinaghandaan na niya ang mga kapwa senador sa posibilidad ng pag-akyat ng articles of impeachment mula sa Kamara.
Makabubuti aniya na pare-pareho silang maghanda sa kanilang magiging papel bilang senator judges.
Ani Sotto, sumasailalim na siya sa crash program ukol sa Rules of Court na paiiralin sa impeachment trial kasabay ng sariling rules ng Senado.
Sa magkakahiwalay na panayam at mensahe, sinabi nina Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, Senator Sherwin Gatchalian at Senator JV Ejercito na dumalo sila sa nasabing pulong na ipinatawag ni Sotto.
Anila, kabilang sa napag-usapan ang kani-kanilang pagkonsulta sa mga kaibigang abogado at dating mahistrado ng Korte Suprema para makapaghanda, pati na ang posibleng schedule ng Senado para sa impeachment trial, mga plenary session, committee hearings at mga imbestigasyon.
Ayon kay lacson, hinikayat niya si Sotto na paghandaan ang mga posibleng umusbong na usapin gaya ng nabalitaan na niyang balak ni Senator Eodante Marcoleta na kwestiyunin ang pagsasagawa ng impeachment trial
