Modernong correctional facility sa Nueva Ecija, sinimulan na

Pinangunahan ng Bureau of Corrections o BuCor ang groundbreaking ng bagong correctional facility sa Palayan City, Nueva Ecija.

Nagkakahalaga ito ng 470 milyong piso at itatayo sa 60-ektaryang lupang donasyon ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., layunin ng proyekto na mapabuti ang kondisyon at rehabilitasyon ng Persons Deprived of Liberty alinsunod sa Republic Act 10575.

Ang pasilidad ay kayang tumanggap ng hanggang 7,500 PDLs at magkakaroon ng iba’t ibang security level, rehabilitation centers at in-facility courtrooms.

Magkakaroon din ito ng mahigpit na seguridad tulad ng perimeter fence, guard towers at modern surveillance system.

Inaasahan namang magbibigay ito ng trabaho at magpapasigla sa ekonomiya ng Palayan City.

Target makumpleto ang proyekto bago matapos ang 2027. (AR BERNARDO)

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...