Tulong ni Ka Rex Cayanong pinabilis, pinasimple gamit ang QR code

PINABILIS at wala ng pasikot-sikot pa ang pagbibigay ng tulong ng batikang broadcaster at pilantropo na si Ka Rex Cayanong sa kanyang mga kabarangay sa Barangay San Isidro, Antipolo City.

Dahil sa kabi-kabilang karaingan na kanyang natatanggap mula sa mga nangangailangan, napag-isip at agad na gumawa ng hakbang ang broadcaster upang hindi na maging masalimuot ang kaniyang pagtugon.

Kabilang sa hakbang na ginawa ni Ka Rex ay ang paggamit ng QR Code sa kanyang programa na “TULONG NI KA REX CAYANONG” para mas mabilis na makakonekta ang kaniyang mga kabarangay sa kanyang tanggapan.

Sa pamamagitan ng bagong sistemang ito, kailangan lamang na i-scan ang QR Code gamit ang QR code reader app [na libreng nada-download sa Google Play Store at Apple App Store] para makakapag fill-out online.

Ilagay lang ang pangalan, edad, estado sa buhay, lugar ng paninirahan at iba pang detalye, ganun din kung ano ang nararapat na tulong ng hindi na kailangan pang magtungo sa kanilang tanggapan.

Ngunit bago pa man simulan ang paggamit ng QR Code ng TULONG NI KA REX CAYANONG, marami na siyang nahatiran ng tulong tulad ng wheel chairs, solar lights, saklay, pagsasaayos ng ilang eskinita atbp.

Dahil sa mga tulong na ito, marami na sa kaniyang mga kabarangay na matatanda at may kapansanan ang nagkaroon ng panibagong pag-asa na kahit paano ay makalabas ng bahay at makapamasyal, maraming madidilim na lugar ang nabigyan ng liwanag at mga eskinita na kaaya-aya nang daanan ng tao.

Maliban dito, mas lalo pang pinag-ibayo ni Ka Rex ang kanyang pagtulong, katunayan, isang malawakang programa ang nakatakda niyang ilunsad, ang Barangay Action Center sa pamamagitan ng tinaguriang “ONE STOP SHOP OFFICE ACTION CENTER. ILAPIT KAY KA REX.”

Sa ilalim ng programang ito, direktang makakarating sa kanyang mga kabarangay ang mga tulong mula sa nasyunal na pamahalaan.

Naniniwala si Ka Rex na sa pamamagitan ng mga bagong programa na kanyang inilulunsad ay mas mabilis niyang maaabot ang iba pa sa kaniyang mga kabarangay na mahigpit na pangangailangan.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...