Home Police Story Pulis pinarangalan dahil rumesponde kahit off-duty

Pulis pinarangalan dahil rumesponde kahit off-duty

0
Sina PCol. Marlon Santos, Napolom Commissioner Ralph Calinisan at Patrolman Rodley L. Averilla (Photo: Napolcom Media Office)

PINARANGALAN ngayong araw ng National Police commission (Napolom) si Patrolman Rodley L. Averilla bilang pagkilala sa kanyang ipinakitang katapangan at maagap na pagresponde sa isang insidente kahit siya ay off-duty.

Kasama si PCol. Marlon Santos, pinangunahan ni Napolom Commissioner Ralph Calinisan ang paggawad ng Certificate of Commendation kay Averilla kaugnay sa kanyang aksyon noong Abril 8, 2026 sa Sampaloc, Maynila.

Habang dinadala niya sa presinto ang isang menor-de-edad na hinihinalang sangkot sa pagnanakaw, siya ay inatake at nasugatan.

 Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at ipinagpatuloy ang kanyang tungkulin patunay ng kanyang dedikasyon sa serbisyo.

Ayon kay Calinisan, ang tunay na paglilingkod sa bayan ay hindi nasusukat sa oras na ang isa ay naka-duty kundi sa kahandaang kumilos anumang oras para sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan.

Ang ipinakitang tapang at integridad ni Averilla ay nagsisilbing huwaran ng isang tunay na alagad ng batas, dagda pa ni Calinisan. (AR BERNARDO)

Exit mobile version