Online services disruption ng NBI temporaryo lang

INANUNSYO ng National Bureau of Investigation (NBI) na makakaranas ng aberya ang sinumang gagamit ng kanilang online services dahil sa isinasagawang system transition.

Ngunit tiniyak ng ahensya na pansamantala lamang ito dahil nagkaroon ng problema sa gitna ng paglipat sa bagong internet service provider, ayon sa kanilang Technology and Infrastructure Division.

Naapektuhan ngayong araw ang kanilang official website na nbi.gov.ph kabilang ang Online Clearance Application Portal at maging ang internal at external email systems.

Paliwanag ng NBI, naputol umano ang koneksyon mula sa dating provider bago pa tuluyang ma-activate ang bagong sistema dahilan ng pansamantalang pagkawala ng online services.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang troubleshooting at restoration ng NBI technical team katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para maibalik agad ang normal na operasyon at maiwasan ang kaparehong aberya sa hinaharap.

Sinabi ni NBI Director Atty. Melvin D. Matibag na walang naganap na security breach at pawang technical na isyu lamang ang dahilan ng downtime.

Pang-unawa naman ang hiling ng NBI sa publiko habang inaayos ang kanilang digital systems.

Kaagad na magbibigay ang ahensya ng karagdagang update sa oras na fully restored na ang kanilang online services.

Pinapayuhan ang publiko na dumulog sa pinakamalapit na tanggapan ng NBI para sa mga transaksyon na agarang kailangan. (AR Bernardo)

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...