Home Police Story “Amasona” na dating estudyante ng De La Salle huli sa Mindoro

“Amasona” na dating estudyante ng De La Salle huli sa Mindoro

0
Ayon sa militar, na-recruit umano ng Kabataang Makabayan ang nasabing babaeng estudyante habang nag-aaral pa ito sa kolehiyo. (Photo: PA)

NAHULI ng 68th Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang babaeng rebelde na nasa edad 20 at sinasabing nagtapos sa De La Salle–College of Saint Benilde.

Ito ang inihayag ni Brig. Gen. Melencio Ragudo, Commander ng 203rd Infantry Brigade, matapos ang naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde sa Sitio Salipay, Barangay Monteclaro sa San Jose, Occidental Mindoro Marso 29, alas-dos ng hapon.

Babaeng rebelde na nasa edad 20 at sinasabing nagtapos sa De La Salle–College of Saint Benilde. (Photo: PA)

Ayon sa militar, na-recruit umano ng Kabataang Makabayan ang nasabing babaeng estudyante habang nag-aaral pa ito sa kolehiyo.

Nakumpiska rin mula sa mga rebelde ang isang M16 na riple.

Sa nasabing engkuwentro, isang sundalo ang nasawi at dalawa ang sugatan.

Kinilala ang nasawing sundalo na si First Lieutenant Dean Oyando ng 68th Infantry Battalion at sugatan naman sina Corporal John Ryan Dango at Corporal Ramche Perez.

Exit mobile version