Worldwide campaign ng mga JWs para ibahagi ang mensahe ng pag-asa, umarangkada na

Share

MULA Marso 7 hanggang Abril 2 ngayong taon, mahigit 9 na milyong mga Saksi ni Jehova sa buong mundo ang  nagsasagawa ng kampanya para imbitahan ang publiko sa dalawang okasyon na mayroong  layunin na tulungan ang mga tao na malaman ang pangako ng Bibliya tungkol sa isang  magandang kinabukasan para sa lahat.  

Sa gabi ng Abril 2, 2026, ang taunang pag-alaala sa Hapunan ng Panginoon ay magtatampok ng  isang pahayag na nagbibigay-diin sa mga turo ni Jesus hinggil sa kinabukasan ng mga tao.  

“Habang nag-aalala ngayon ang maraming tao hinggil sa kinabukasan, ang Bibliya ay nagbibigay  sa atin ng tunay na pag-asa,” ang sabi ni Normito Zapata Jr., tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa Metro Manila. 

“Ipinapaliwanag sa okasyong ito kung paanong ang buhay at mga  turo ni Jesus ay may malaking bahagi sa buhay ng mga indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng  mundo. Ang katotohanang ito na itinuro ni Jesus ay nagbibigay sa atin ng pag-asa sa halip na  pangamba at pag-aalala,” dagdag pa ni Zapata.

Iniimbitahan din ng mga Saksi ni Jehova ang maraming tao para  daluhan ang espesyal na pahayag na may temang “Paraisong LupaSino ang Magbabalik?”

Ito  ay ipapahayag sa buwan ng Marso, 2026 sa mahigit 118,000 kongregasyon ng mga Saksi ni  Jehova sa buong mundo.  

BASAHIN  Meralco tiniyak na hindi sasablay ang kauna-unahang subway ng bansa

Ang 30 minutong pahayag na ito ay magpapaliwanag sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa:  

• Kaugnayan ng tao sa mundo. 

• Ang pagababalik ng orihinal na layunin para sa lupa.  

• Kung paano tayo makikinabang mula sa mga pangako sa Bibliya.  

Mga 2,000 taon na ang nakakalipas noong Nisan 14 sa Judiong kalendaryo, 33 C.E., pinasimulan  ni Jesus at ng kanyang mga apostol ang Hapunan ng Panginoon.

Nang gabing iyon, iniutos ni  Jesus ang nakaulat sa Lucas 22:19 na, “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”  

Taon-taon sinusunod ng mga Saksi ang utos na ito base sa araw na nabanggit bilang paalala sa  pangako ng Bibliya na posibleng maibalik sa orihinal na layunin ang nasirang lupa. Mahigit na 21  milyong katao ang dumalo sa Hapunan ng Panginoon nitong nakaraang taon.  

Para sa higit na impormasyon hinggil sa Hapunan ng Panginoon at sa espesyal na pahayag at  para makadalo sa lokasyon na malapit sa iyo, maaaring pumunta sa jw.org/tl > tungkol sa amin >  memoryal.

Ang dalawang okasyon na ito ng mga Saksi ni Jehova ay walang bayad at bukas para  sa publiko.

IBA PANG BALITA

Agarang tulong sa 2 estudyante na biktima ng pananaksak sa Zamboanga City ikinasa ng DepEd

NAGLABAS ng opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa panibagong napaulat na insidente ng pananaksak sa Cabaluay National High School sa...

DTI-CARP caravan bags over ₱3M in sales, connecting rural producers to Metro Manila

A recent government-led trade caravan has successfully bridged the gap between rural agriculture and urban markets, generating over ₱3 million in revenue and securing...

BIR eases rules on nominee transfers of club shares, drops ruling requirement

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) has streamlined the tax process for corporate-owned country club and sports club memberships, removing a major administrative hurdle...

Bagong mga posisyon para sa mental health program ng DepEd aprub na sa CSC

INAPRUBAHAN na ng Civil Service Commission (CSC) ang bagong mga posisyon na nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12080, o ang Basic...

House committee prods CSC to fast-track hiring standards for school counselors

LAWMAKERS from the House Committee on Basic Education and Culture recently criticized delays within the Civil Service Commission (CSC), urging the agency to fast-track...

Mister na gumahasa at nagpasak ng bote sa ari ng buntis na misis, arestado

HINDI na nakapalag pa ng arestuhin ang isa sa mga most wanted sa lalawigan ng Rizal na si alyas "Allan," 52, isang foreman at...