SIYAM sa 24 Cabinet members ni PBBM hindi pa kumpirmado ng Commission on Appointments at hanggang ngayon ay hindi pa rin isinusumite ng Palasyo ang kanilang mga credentials para sa screening.
Sila ay sina Acting secretaries Ralph Recto ng Executive department, Frederick Go ng Finance, Juan Cuna ng Environment and Natural Resources, Vince Dizon ng Public Works, Giovanni Lopez ng Transportation, Frederick Vida ng Justice, Dave Gomez ng Presidential Communications; at Officer-in-charge Rolando Toledo ng Budget department, at Verna Buensuceso ng Tourism.
May balita rin na posible umanong ire-appoint ni Pangulong Marcos ang ilan sa mga pulitikong hindi nanalo noong nakaraang eleksyon kapag natapos na ang ban sa May 12, 2026. Matunog ang pangalan nina Benhur Abalos na naging DILG secretary bago kumandidatong senador, Francis Tolentino na noo’y Mayor ng Tagaytay City at naging MMDA chairman sa panahon ni Pangulong Noynoy Aquino at for re-election senator, senador Manny Paquiao at Makati City mayor Abby Binay.
