Home Police Story Suspek sa jewelry shop hold-up sa Pasok Putik, arestado ng QCPD

Suspek sa jewelry shop hold-up sa Pasok Putik, arestado ng QCPD

0
Suspek sa jewelry shop hold-up sa Pasok Putik, arestado ng QCPD (Photo: PIO QCPD)

ARESTADO ang isa sa anim na suspek sa panloloob sa Thres Hold Silver Accessories Shop sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City at ninakawan noong Pebrero 27, 2026.

Panooring ang video: Suspek sa jewelry shop hold-up sa Pasok Putik, arestado ng QCPD

Ayon sa ulat na nakarating kay PBGen Randy Glenn Silvio, District Director ng Quezon City Police District (QCPD), naaresto si “Wilfredo,” 59-taong gulang sa Bagong Silang, Caloocan City noong Marso 3, 2026 dakong alas-3 ng madaling araw matapos ang hot-pursuit operations ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at Pasong Putik Police Station 16 at iba pang operatiba.

Nangyari ang insidente noong Pebrero 27 kung saan anim na kalalakihan sakay ng tatlong motorsiklo ang pumasok at nanlimas ng mga alahas at cash na nagkakahalaga ng P653,500 habang nakatutok ang mga baril sa mga tauhan ng shop.

Narekober kay “Wilfredo” ang di-lisensyadong kalibre .38 baril at mga bala, limang mga helmet na pinaniniwalaang ginamit sa nasabing krimen.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operations ang mga otoridad lalo na sa pagkakakilanlan ng natitirang mga suspek kasama na ang posibleng kasabwat na driver ng metallic silver Mitsubishi Xpander na naka-park malapit sa shop batay sa kuha ng camera.

Sasampahan ang suspek ng kasong robbery, paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at R.A. 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act, sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Exit mobile version