Home Metro Manila Binatang kapitan sa Pasig ‘ino-offer’ ang sarili sakaling walang makausap ang mga...

Binatang kapitan sa Pasig ‘ino-offer’ ang sarili sakaling walang makausap ang mga nade-depress

0
Si Chairman Alex Torres ng Barangay Kapitolyo, Pasig City (Photo: Alex Torres FB)

“ANDITO ako kung need niyo kausap!

Ito ang sinabi ni Chairman Alex Torres ng Brgy. Kapitolyo, Pasig City kaugnay sa mental health issue na kinakaharap ng kanilang barangay.

Sa isang social media post ng kapitan, sinabi nito na may isa na namang kaso ng tangkang pagpapakamatay.

“Mental health is real people! Kahit sino pwede tamaan niyan, let’s build something for the community kung meron kayong idea,” ang pahayag ni Torres.

“For now may zumba group tayo at pwede rin kayo magmuni-muni sa ating mga parks. ‘Wag gawan ng permanenteng solusyon ang mga problema, andito lang ako kung need niyo [ng] kausap,” dagdag pa ng punong barangay.

Kung may alam kayo tungkol sa mga indibiduwal na nakakaranas ng depresyon, maaaring tumawag 24/7 sa National Center for Mental Health (NCMH) Hotline: 1553; 09178998727 at 09086392672

Exit mobile version