312 eskuwelahan napinsala ng Bagyong Uwan

SA PINAKAHULING tala ng Department of Education (DepEd), umabot na sa 312 paaralan sa buong bansa ang napinsala bunsod ng pananalasa ng Bagyong #UwanPH kung saan kabilang ang Bicol at CaLaBaRZon sa mga rehiyong pinakmatinding tinamaan.

Sa inilabas na Nobyembre 10, 12nn bulletin ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), may 1,182 silid-aralan ang bahagyang napinsala, 366 ang malubhang nasira at 261 naman ang tuluyang nasira.

Ayon kay Secretary Sonny Angara, pangunahing pinagtutuunan nila ng pansin ngayon ang kaligtasan, agarang proteksyon at tulong sa mga estudyante, guro at mga kawani ng paaralan.

“Mabigat ang pinagdadaanan ng ating mga guro, magulang, at mag-aaral sa nagdaang Bagyong Uwan at Tino. Nakikiramay tayo sa ating mga kababayan at tinitiyak namin sa DepEd na kasama ninyo kami sa bawat hakbang ng pagbangon at muling pagbuo ng pag-asa sa bawat silid-aralan,” ang pahayag ni Angara.

Iniulat din ng DepEd na 5,572 silid-aralan sa 1,072 paaralan sa 11 rehiyon ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation centers na pansamantalang tinutuluyan ng mga pamilyang lumikas.

Sinabi pa ng Kalihim na may nakatakda ng pondo ang ahensya na ₱20.2 milyon para sa paglilinis at clearing operations ng mga nasirang eskuwelahan, at ₱57.9 milyon para sa minor repairs.

“Inuuna rin ng DepEd ang implementasyon ng Alternative Delivery Modes (ADMs) sa mga paaralang pansamantalang sarado dahil sa mga nakaraang bagyo at iba pang kalamidad,” giit pa ni Angara.

Idinagdag pa ng ahensya na naipamahagi na rin ang pondo sa mga rehiyon para sa paggawa ng learning packets at lesson guides sa ilalim ng Dynamic Learning Program (DLP) at iba pang ADM modalities.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...