Asylum ipagkakaloob ng Senado kay Bato

MAAARING maging kanlungan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang Senado sakaling lumabas na ang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang tinuran ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kung saan nito na hindi maaaring arestuhin ang isang senador kapag nasa loob ng Senado.

Sinabi ito ni Sotto matapos magbigay ng pahayag si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may inisyu na umano na warrant of arrest ang ICC at maaring matanggap na ng Pilipinas anumang oras.

“Wala akong alam sa sinasabing warrant of arrest. Ngunit tulad ng nasabi ko na noon pa man na batay sa aking konsultasyon at pakikipag-usap sa mga kasamahan ko, hindi kami papayag na aarestuhin ang isa sa aming mga miyembro upang maingatan ang dignidad ng Senado,” ang sabi ni Sotto.

Ang nasabing arrest warrant ay may kaugnayan sa koneksyon ni Dela Rosa sa war on drugs sa panahon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pangunahing ipinatupad ito ng senador.

“Bilang pagpapakita ng kortesiya, hindi kamin papaya. Pero kapag inaresto siya sa labas ng Senado, hindi naming iyon problema,” dagdag pa ng Senate President.

Nagkibit-balikat naman ang Department of Foreign Affairs at sinabing wala pa silang natatanggap na impormasyon mula sa Embahada nito sa The Hague, Netherlands.

“Alam naman natin na sa ilalim ng Rome Statute, ang mga warrant of arrests, kung mayroon man, ay idinadaan nang direkta sa mga law enforcement agencies ng isang bansa kung saan mamamayan nito ang isang akusado,” ang pahayag ng DFA.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...