Disaster response team ng Rizal PNP kasado na sa pagdating ng Bagyong #UwanPH

KASADO na ang disaster response team ng Rizal Police Provincial Office (PPO) bilang paghahanda sa pagdating ng Bagyong Uwan na may potensyal na maging isang super typhoon.

Pinangunahan ni PCol. Feloteo Gonzalgo, provincial director ng Rizal PNP, ang isinagawang programa para sa disaster preparedness sa Camp MGen. Licerio Geronimo sa Taytay, Rizal, kaninang umaga.

Kalakip sa nasabing programa ang pre-disaster risk assessment, koordinasyon sa mga local government units (LGUs) at pagbuo ng mga disaster risk reduction council.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Gonzalgo na kailangan nilang maging proactive sa mga kinakailangang gawin at maging handa lalo na ang mga tauhan na gaganap sa assistance and rescue.

Pinag-usapan din ang mga protocol sa disaster response, deployment planning, close coordination sa local Disaster Risk Reduction Management Offices (DRRMOs) at paalaala sa kaligtasan hindi lamang ng publiko kundi pati na rin ng uniformed personnel.

Layon ng inisyatibang ito na tiyakin din ang pagtutulungan at koordinasyon ng police units at partner agencies para makapaghanda sa agarang tulong sa emergency situations.

Ibinida rin ni PMaj. Joel Alvarez, acting chief ng Provincial Operations Management Unit (POMU) ang iba’t ibang rescue teams, medical units, quick reaction forces, mga kagamitan sa pag-rescue tulad ng rescue vehicles at ang watercraft mula sa Provincial Mobile Force Company (PMFC).

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...