Kampanya upang ‘wakasan ang digmaan’ nagsimula na

HANGGANG sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, ang hidwaang Israeli-Palistinian ay patuloy pa ring kumikitil ng buhay at ang civil war sa Sudan ay pinangangambahang magtatagal pa.

Ilan lamang ito sa araw-araw na laman ng mga balita na kahit sa malalayong lugar tulad ng Pilipinas ay apektado sa iba’t ibang paraan tulad ng ekonomiya, pulitika at pati na sa suplay ng pagkain.

Kung tatanungin ang karaniwang mga tao, normal nang maririnig sa kanila na ayaw na nilang manood sa telebisyon ng mga balitang mararahas, umiiwas na mabasa sa mga pahayagan ang tungkol sa giyera at naiinis sa mga hidwaan na makikita sa kanilang mga mobile phone.

Kaya makatuwiran lamang na itanong ng mga tao: Darating ba ang panahon na mawawala na ang digmaan?

Ang tanong na ito ay sasagutin sa mga pahina ng magasing ‘Ang Bantayan’ na ipapamahagi ng mga Saksi ni Jehova ngayong buwan ng Setyembre sa isasagawa nilang pambuong-daigdig na kampanya.

Mahigit 9 na milyong katao ang magboboluntaryo na ipamahagi ang espesyal na isyu ng magasing Bantayan upang malaman ng mga tao ang salig-Bibliyang solusyon kung paano magwawakas ang mga digmaan.

Papaano Magwawakas ang Digmaan at Karahasan? (Photo: jw.org)

“Ang isyu tungkol sa mga digmaan ay regular nang bahagi ng balita, at madami pang mga hidwaan ang mangyayari. Subalit mababasa sa mga pahina ng magasing ito ang magandang mensahe na may pag-asa pa ang mga nagdurusa sa kabila nang laganap na karahasan,” ang pahayag ni James Morales, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova.

“Kung nananalangin ka ng kapayapaan sa gitna ng maligalig na daigdig, ang magasing ito ay magbibigay ng kapanatagan at katiyakan––isang tulong na mabawasan ang iyong pagkatakot at pagkabalisa,” dagdag pa ni Morales.

Ang maikli ngunit malaman na magasing ito ay magtatalakay din sa mga paksa, tulad ng:

  • Kung Bakit Nagpapatuloy ang Digmaan at Karahasan
  • Papaano Magwawakas ang Digmaan at Karahasan
  • Paghahanap ng Kapayapaan sa Kabila ng Digmaan at Karahasan

“Nagbigay si Jesu Kristo ng modelong panalangin, at ang pagbanggit niya sa isang ‘Kaharian’ ay nagpapakita na ninanais ng mga tao ang pangmatagalang kapayapaan at isang matatag, makatarungang pamahalaan,” giit pa ni Morales.

Sa loob ng isang buwan na kampanyang ito, mag-aanyaya rin ang mga Saksi sa isang espesyal na pahayag na may kahalintulad na paksa.

Ang 30-minutong pahayag ay bukas sa publiko at ihaharap sa buong mundo na gaganapin sa kanilang mga lugar ng pagsamba na tinatawag na Kingdom Hall. Hindi mangungulekta dahil wala itong bayad.

“Inaanyayahan namin kayong dumalo,” sabi ni Morales. “Makikita ng sinumang dadalo na posible palang mabuhay ng payapa kapag ang isang lider ay patas at puno ng pag-ibig. Ang maririnig ay magbibigay hindi lamang ng kaaliwan kundi isang nagbabagong buhay na pahayag”

Para malaman ang pinakamalapit na Kingdom Hall, bisitahin ang jw.org at maaaring i-download ang magasin sa digital format nito.

IBA PANG BALITA

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Fewer Filipinos saying ‘I Do’: The evolving landscape of the Filipino family

THE traditional concept of the Filipino family is undergoing a profound shift. Recent data released by the government reveals a significant and steady decline in...