Pananatiling insurgency-free ng lalawigan ibinida ng Rizal PNP

IBINIDA ng Rizal Provincial Police Office (Rizal-PPO) ang kanilang mga programa upang hindi na uusbong pang muli ang insurhensiya sa lalawigan ng Rizal matapos itong ideklarang insurgency-free ng Philippine Army noong Setyembre 23, 2024.

Ito ang tinuran ni PCol. Feloteo Gonzalgo, provincial director ng Rizal-PPO, sa harap ng mga mamahayag na kabilang sa PaMaMariSan-Rizal Press Corps sa isang courtesy call kamakailan.

“Ang totoo, noong umupo ako [bilang provincial director] dito sa Rizal, alam kong halos wala na ang insurgency batay yan sa impormasyon ko dahil ‘laking’ intelligence ako [sa Camp Crame], ang pahayag ni Gonzalgo.

Sinabi pa ng direktor na mula nang ideklarang insurgency-free na ang lalawigan, pinanatili ito ng kaniyang sinundang provincial director ganun din aniya ng kaniyang counterpart sa Philippine Army.

“Sa ngayon wala na ditong guerilla front. Actually sa buong Pilipinas, dalawa na lang ‘yan eh. Kung mayroon man, siguro ito yong mga patawid-tawid mula sa Quezon province patungong Bulacan,” dagdag pa ni Gonzalgo.

Inamin ni Gonzalgo na may 2 areas sa Rizal, ang bayan ng Montalban at Tanay, na patuloy nilang binabantayan at dahil ito ay kompidensiyal, hindi muna anila puwedeng sabihin ang ganilang mga ghinagawa..

Ayon pa sa direktor, mahigpit nilang binabantayan ang mga relocation sites dahil ito aniya ang pinupuntirya ng mga rebelde upang mangganyak (brainwash) ng mga bagong miyembro.

“Dahil sa kahirapan, kawalan ng trabaho kung kaya may posibilidad na pasukin muli ng underground movements at doon sila mangre-recruit ng mga would-be rallyist,” saad pa ni Gonzalgo.

Patunay din aniya na wala ng pangil ang New People’s Army (NPA) dahil sa patuloy na pagbabalik-loob ng mga dating rebelde sa pamahalaan lakip na ang mga katutubo na dati nilang naimpluwensiyahan.

Katunayan aniya, nitong nakaraang Hulyo 28, 2025 ay nagkaloob ng livelihood assistance sa 20 mga dating rebelde ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Layon ng programa na bigyang suporta ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan upang makapagsimulang muli ng mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang mga pamilya.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...