Remulla: BSKE posibleng sa Nobyembre 2026 na

KUNG si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang tatanungin, mas malaki aniya ang tsansa na pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakasalang na panukalang batas kaugnay sa Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Matatandaan na niratipikahan kapuwa ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report bago mag-adjourn ang 19th Congress noong Hunyo.

Ang nasabing bicameral conference committee report ay nagsasaad na ipagpapaliban ang BSKE na nakatakdang gawin sa Disyembre at isasagawa sa Nobyembre 2026.

Ayon kay Remulla, isinasaad ng nasabing panukala na maninilbihan ng dalawang four-year terms ang mga barangay officials (aabot sa walong taon) ngunit isang four-year term lang para sa mga SK officials.

Sinabi pa ng Kalihim na mabibitin lang aniya ang paninilbihan ng kasalukuyang mga barangay at SK officials kung idaraos kaagad ang halalan sa darating na Disyembre.

Isa rin aniya sa mga dahilan kung bakit mas mabuti kung sa Nobyembre 2026 na gaganapin ang halalan ay upang makasunod sa kasalukuyang batas na nagsasaad ng isang three-year term para sa mga nanalo sa nakaraang BSKE noong 2023.

Idinagdag pa ng dating Cavite governor na alinman sa pipirmahan ito ng pangulo, hayaang mag-lapse sa loob ng 30 araw upang maging ganap ng batas o dili kaya’y i-veto ang nasabing panukalang batas.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...