Nag-amok na lasingero binaril ng pulis, sugatan

SUGATAN ang isang lasing na lalaki nang barilin ng rumesponding pulis matapos itong mag-amok sa Grava Falls, Carolina Village, Sitio Leyva 2, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City, bandang alas-10:30 ng umaga, Hulyo 30, 2025.

Batay sa report ng Antipolo City Component Police Station, nakatanggap umano ng impormasyon ang Public Safety Office ng naturang barangay na may nag-aamok kaya rumesponde agad sa lugar ang mga tanod kasama sina Patrolman Evan Borela at Patrolman Morris Morante.

Pagkadating sa lugar, nagwawala umano ang lasing na lalaki at armado ng improvised firearm o sumpak na kinilala ng pulisya na si alyas “Arle,” residente ng nabanggit na lugar na ayon sa mga kabarangay ay  kilala itong notoryos at sangkot sa mga nakawan.

Nagpakilalang mga alagad ng batas ang mga rumesponding operatiba at sinubukan pang pakalmahin ang suspek ngunit nagtangka pa umano itong makipagbarilan.

Idinagdag pa sa ulat na nang akma na umanong babaril ang suspek ay inunahan na ito ni Patrolman Borela at tinamaan sa ibabang bahagi ng katawan ang suspek.

Nang ito ay bumagsak, agad na dinis-armahan ang lalaki at isinugod sa Rizal Provincial Hospital System- Annex 1 para lapatan ng lunas. Narekober sa suspek ang sumpak, isang live bullet ng kalibre .38 na baril.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing insidente at inihahanda na ng pulisya ang mga kasong Alarm & Scandal, Attempted Homicide, at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...