Home Police Story Umawat sa bangayan sa Antipolo City, patay

Umawat sa bangayan sa Antipolo City, patay

0
Umawat sa bangayan sa Antipolo City, patay.

PATAY ang isang 27 anyos na lalaki matapos itong masaksak ng suspek dahil sa pag-awat ng biktima sa isang pagtatalo sa isang birthday party, Lunes ng umaga, Hulyo 28.

Kinilala ng Antipolo Component City Police Station ang biktima na si alyas “Giovanni” at ang suspek naman na si alyas “Romy.”

Ayon sa Imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima, ang suspek at birthday celebrant na si alyas “Marvin sa Sitio Malanim, Palos Tangke, Brgy. Dela Paz ng nasabing lungsod.

Sa kalagitnaan ng inuman at kasayahan, nagbangayan umano ang suspek na si Romy at isa pa nilang kainuman na kinilala na si alyas “Niño.”

Dagdag pa ng imbestigasyon, namagitan ang biktima na si Giovanni ngunit bigla na lamang siya umanong inundayan ng saksak na si Romy at tinamaan ito sa ibaba ng kaliwang kili-kili.

Sinabi ng Rizal PNP na agad isinugod biktima sa pinakamalapit na Assumption Specialty Hospital and Medical Center ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Isinalang din ang biktima sa autopsy examination para matukoy ang eksaktong dahilan ng pagkamatay.

Agad namang inaresto ng mga operatiba ang suspek matapos makatanggap ng impormasyon ang mga kapulisan kaugnay sa nangyaring awayan sa isang birthday party.

Narekober ang kutsilyo na ginamit sa pananaksak at pansamantalang ikinulong sa custodial facility ng Antipolo City Component City.

Exit mobile version