Komite ni Marcoleta tatalakay sa kaso ni VP Sara?

KAPANSIN-PANSIN na ang Blue Ribbon Committee—na inaasam-asam ng marami—ay napunta sa bagitong senador na si Rodante Marcoleta, na ayon sa marami ay “dasurv” nito dahil maliban sa isa itong abogado, matagal itong nanungkulan bilang kongresista at hinangaan sa pagganap nito sa mga imbestigasyon partikular na sa mga kasong katiwalian sa gobyerno.

Pangunahing tungkulin ng Blue Ribbon ay ang pag-iimbestiga sa mga alegasyon ng katiwalian na ginawa ng isang opisyal at ahensya ng gobyerno lakip na ang opisina ng Bise-Presidente at mismong si VP Sara Duterte.

Dahil dito marami ang nag-aabang sa kung ano ang magiging hakbang ni Marcoleta sakaling dumating ang panahon na may gagawa ng inisyatiba na imbestigahan si VP Sara.

Ito’y matapos sabihin na Senate President Chiz Escudero na susundin nila ang kamakailang desisyon ng Korte Suprema na hindi ayon sa Saligang Batas ang Articles of Impeachment na ipinadala sa kanila ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi pa ng Katas-taasang Hukuman na sa Pebrero 6, 2026 pa puwedeng maghain uli ng impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil ang pang-apat at pinakahuling complaint ay may petsang Pebrero 25, 2025.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...