Mandaluyong College may BS Nursing course na

INIHAYAG ni Mayor Menchie Abalos na nag-aalok na ngayon ng tatlong bagong karagdagang kurso ang Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) kabilang na ang Bachelor of Science in Nursing.

Opisyal nang tinanggap ni Abalos ang certificate of program compliance (COPC) mula kay MCST Officer-in-charge President Dr. Jonathan Chiong para sa mga kursong Bachelor of Public Administration at Bachelor of Physical Education.

Samantala, mula naman sa Commission on Higher Education (CHED), ipinagkaloob naman ni Regional Director Jimmy Catanes ang nasabing certificate of program compliance kay Mayor Abalos.

Sa isang talumpati, sinabi ni Catanes na sapat ang kakayahan at mga pasilidad ng Mandaluyong College of Science and Technology na ialok ang mga nasabing kurso.

“May polisiya po ang CHED na hindi ito magbibigay ng COPC hangga’t hindi napapatunayan ng isang institusyon kapag wala itong pasilidad, walang mga estudyante, at walang kakayahan na patakbuhin ang buong apat na taon (mula first year hanggang fourth year) ng programa,” sabi ni Catanes.

Nagbigay din ng komendasyon si Catanes sa Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong dahil sa batay sa kanilang rekord sa CHED, pang-pito pa lang ang MCST sa hanay ng mga local universities and colleges (LUCs) sa buong bansa ang mayroong Bachelor of Science in Nursing program.

Nagpasalamat naman si Mayor Menchie Abalos sa CHED sa patuloy na pakikipagtunlungan at ugnayan nito sa pamahalaang lungsod upang mas mapaigting ang sistema ng edukasyon sa Mandaluyong.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...