Wanted na biyenan mula Masbate, arestado sa Taytay

MATAPOS ang sampung taon na pagtatago, natuntun din ang isang suspek sa pagpatay sa kaniyang manugang at inaresto ng mga awtoridad nitong Marso 9, 2025 dakong alas-2:30 ng hapon sa tinitirhan nito sa Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal.

Kinilala ni PCol. Villamor Tuliao, district director ng Eastern Police District (EPD), ang suspek na si alyas “GLS,” 56 na taong gulang at tubong Cataingan, Masbate.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang krimen noong Agosto 15, 2015 habang nag-iinuman ang mag-biyenan at nalasing hanggang sa nauwi sa isang pagtatalo.

Ilang sandali pa ay nagkainitan na ang dalawa na humantong sa pagkakasaksak hanggang sa mapatay ng suspek ang kaniyang manugang at tumakas at nagtago na.

Noong Disyembre 20, 2016 ay inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 49 ng Cataingan, Masbate ang warrant of arrest laban sa suspek sa kasong murder.

Batay sa intelligence report, namataan ang suspek sa Pasig-Taytay area kaya agad na nakipag-ugnayan ang Cataingan Municipal Police Station, Masbate Police Provincial Office sa Counterintelligence and Security Section at District Intelligence Division ng EPD.

Sa ikinasang manhunt operation, natunton ang pinagtataguan ng suspek at nasakote, na ayon kay Tuliao, ay “resulta ng mahusay na koordinasyon sa pagitan ng intelligence community upang mapanagot ang mga nagkasala laban sa batas.”

Pansamantalang nakapiit ngayon ang suspek sa custodial facility ng Pasig City Police Station habang hinihintay ang commitment order mula sa korteng may hawak ng kaso. 

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...