Lalaki na most wanted sa Valenzuela City, arestado sa ‘One time, big time’ operation

Nahuli ng mga awtoridad ang isang lalaki na kabilang sa listahan ng most wanted persons sa Valenzuela City sa ikinasang One-Time-Big-Time Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang akusado na si alyas “Tigbak,”`na dinakip ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police at Northern NCR Maritime Police Station Navotas City sa Kabatuhan St., Barangay. Gen T. De Leon.

Batay sa report ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr., kay Northern Police District (NPD) Director BGen. Rizalito Gapas, isinagawa ang naturang operasyon bandang alas-10:00 ng gabi sa nasabing barangay, alinsunod sa agenda na inilatag ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations.”

Hinainan ng warrant of arrest si alyas “Tigbak,” na inisyu ni Presiding Judge Arthur Balbuena Melicor ng Regional Trial Court Branch 284, Valenzuela City noong February 22, 2024, para sa kasong Homicide.

Sa ngayon ay nakakulong ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang commitment order.

IBA PANG BALITA

₱1-M halaga ng shabu nasamsam sa 4 HVI sa Rizal

APAT katao ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng San Mateo Municipal Police Station (San Mateo MPS) sa Brgy....

₱1.2-B ayuda napunta sa MC taxi “ghost riders”?

MAY posibilidad umano na higit sa ₱1 bilyon ang posibleng naipamigay sa mga “ghost riders” ng motorcycle taxi (MC taxi) dahil sa kawalan ng...

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...