Oyo, Kristine, inaasahan ang ika-6 na anak

0

CELEBRITY Baby!

Hindi pa lumalabas sa mundo ang ika-anim na anak nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa, pero naka-post na sa Instagram ang ultrasound image ng sanggol, at sobrang dami ng likes.

Ayon pa sa aktres, ang kanilang ika-anim na anak ay isang paalala ng kaligayahan at kapayapaan mula sa Diyos. Hindi raw siya nagduda sa kapangyarihan ng Maylikha sa buhay niya. Minsan daw, nadi-discourage siya pero palagi raw naririyan ang Diyos sa likod nila.

“To be honest, I was hopeful but never really expected He would bless us with children… and another one on the way,” ayon sa post ni Kristine nitong Feb. 19.

Ayon pa kay Hermosa, “Kahit pa ang dami na nila, parang laging 1st time. Iba’t ibang level ng overwhelming emotions each stage of every pregnancy. Ibang level din when you can already see and hear the heartbeat.”

“Akala ko noon, last na si Isaac. Ngayon, hindi ko na talaga alam kay God… I praise the Lord for whatever plan He has for me and my super growing family,” pagtatapos ng aktres.

About Author

Show comments

Exit mobile version