Cara y cruz palit shabu, 4 huli

KULUNGAN ang bagsak ng apat na lalaki matapos mahuling nagsusugal ng cara y cruz sa kalsada at nang kapkapan ay nakitaan naman ng halos kalahating milyon na halaga o P650-K ng shabu, Lunes ng madaling araw sa Taytay, Rizal.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Rizal Provincial Police Office (RPPO) Director PCol. Felipe Maraggun, dalawang magkahiwalay na operasyon ang isinagawa ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station laban sa illegal gambling na kung saan nakasabat sila ng nasa P650,000 halaga ng iligal na droga sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal Lunes ng madaling araw.

Sa report  ng Taytay Police, unang naaresto si alyas  “Roy”, 28-anyos, na matagal nang minamanmanan ng pulisya at ang kasamang si alyas “Pidick”, 28-anyos, driver at residente ng Taytay, Rizal.

Dinampot ang dalawa matapos sitahin sa paglalaro ng cara y cruz at nang  kapkapan ay nakita kay Roy ang isang plastic na may limang  pakete na naglalaman ng shabu na may timbang na 60 gramo sa halagang P480.000.

Samantala, dalawa naman ang  naaktuhang naglalaro ng “cara y cruz” sa parehong barangay at nakuhaan ng iligal na droga. Isang High Value Individual (HVI) na si alyas “Jeff”, 27-anyos, mekaniko at alyas “Emong”, 39-anyos,  karpintero at residente ng Taytay. 

Kinapkapan ang dalawa at nakuha mula sa pag-aari ni Jeff ang apat na pakete ng shabu na may humigit kumulang 25 gramo ang timbang na nagkakahalaga ng P170, 000.

Kasaluluyang nakakulong sa Taytay Custodial Facility ang apat na suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 at RA 9165.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...