Ultrasound, X-ray atbp., dapat sakop din ng PhilHealth

SINABI ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na dapat kasali sa serbisyo ng PhilHealth ang critical diagnostic exams para maiwasan ang cervical cancer at iba pang nakamamatay na sakit.


Nais niyang sagutin ng PhilHealth o Philippine Health Insu­rance Corporation ang laboratory procedures kagaya ng mammography para sa breast cancer, X- ray para sa lung cancer, ultra sound, at human papillomavirus (HPV) vaccine upang maprotektahan ang mga babae laban sa cervical cancer.


Nais ng Speaker na dagdagan ng 50 percent ang sasagutin ng PhilHealth sa bill ng pasyente sa ospital at gawing libre ang laboratory exams para kaagad na matukoy ang mapanganib na sakit gaya ng kanser.


Ipinarerepaso rin ni Romualdez sa House Committee on Health ang charter ng ahensya para mapahusay ang serbisyo nito.

Idiniin ni Romualdez na dapat makatugon nang husto ang PhilHealth sa universal health care ng bansa.

Sinabi ng isang observer na dapat may managot sa milyones na pondo ng PhilHealth na diumano’y kinurakot ng ilang opisyal ng gobyerno, dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit patuloy pa ring mababa ang halaga ng benepisyo sa ahensya.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...