Kris Aquino, pauuwiin na si Bimby para magtrabaho

KAILANGAN nang magtrabaho ni Bimby.


Ito ang naging desisyon ni Kris Aquino sa kanyang anak dahil palaki nang palaki raw
ang gastusin sa pagpapagamot niya sa U.S.


Kasama rin ni Kris sa Amerika ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

Ayon sa report ng Pep.ph, sinabi ni Kris, “Bimb might go home after my birthday. He
needs to work because my medical bills are already getting higher and higher.”


Sa kanyang huling Instagram post nitong Linggo, Enero 21, sinabi ni Kris na hindi pa rin
bumubuti ang kanyang kalagayan magmula nang huli siyang mag-post noong
Nobyembre 2023.


Palagi raw nanghihina si Kris at nawawalan ng gana, kaya kadalasan gatas na lang ang
kanyang iniinom, sa harap nang paulit-ulit na sakit ng ulo.


“I was having dizzy spells, and my BP (blood pressure) had very weird fluctuations,”
ayon pa kay Kris.


May sakit si Kris na Systemic lupus erythematosus o lupus, Ito ay isang auto-immune
na sakit na kung saan inaatake at sinisira ng kanyang immune system ang healthy
tissues at organs sa kanyang katawan.


Sa kabila nito, positibo pa rin si Kris, at nagsabing, “I’m promising all my friends, plus
all who continue to pray for me: bawal sumuko, tuloy pa rin ang laban.”

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...