Daniel Padilla gipit na? ₱6.5-M Sports car for sale

TILA gipit na raw si Daniel Padilla, ayon sa kanyang detractors, dahil for sale ngayon sa
halagang ₱6.5 milyon ang kanyang Chevrolet Corvette sports car.


Ayon sa www.autodeal.com.ph, umaabot sa mahigit ₱12.5 milyon ang 2023 brand-
new model ng nabanggit na kotse.


Nilinaw ni Padilla na hindi raw siya naghihirap kaya niya ibinebenta ang Corvette niya,
kasi, hindi na raw ito kasya sa kanyang garahe sa rami ng mga kotse niya.


Ang kotse ay makikita sa display room ng F2A cars sa Quezon City na siyang
nagbebenta ng kotse ni Daniel. Kumpleto at updated ang papel nito at naka-rehistro
kay Daniel.


Samantala nag-alok daw ang vlogger na si Boss Toyo ng halagang ₱ 5.8 milyon para sa
sports car pero hindi ito ibinigay ng kinatawan ng F2A cars. Nanghinayang daw si Toyo
dahil hindi niya nabili ang sports car.


Nasa Japan daw ngayon si Daniel at nagbabakasyon bago bumalik muli sa trabaho.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...