Cesar Montano, binisita si Sunshine Cruz; marital rape vs. Montano, dismissed na?

BUMISITA kamakailan ang aktor na si Cesar Montano sa kanyang dating asawa na si
Sunshine Cruz sa bagong bahay nito at nagdala ng regalo.

Ayon sa report ng “Pep.Ph” kamakailan, nai-post dito ang larawan nina Cesar,
Sunshine at tatlong anak nila habang personal na iniaabot ang malaking painting sa
dating asawa.

Natuwa si Sunshine sa magandang abstract painting.

“Thank you for this beautiful painting @cesarbuboymontano! Just what we needed,”
caption ni Sunshine sa IG post nitong January 3, 2024.

“Enjoy kayo ng kids tonight,” dagdag pa niya,

Nagkaroon din ng bonding time si Cesar kasama ang tatlong magaganda nilang mga
anak na sina Chesca, Angelina, Samantha, na puro beauty queen material.

“Missed you earlier @maarriiaaa05,” pahabol ni Sunshine kay Kath Angeles, ang
partner ngayon ni Cesar.

Samantala, hindi pa malinaw kung na-dismiss na ang marital rape at physical abuse na
inihain ni Sunshine laban sa hiwalay-niya-noong asawa na si Cesar.

Matatandaang sinabi ni Sunshine sa kanyang reklamo sa korte na noong Mayo 12,
2013, na pumasok sa kanyang bahay sa Quezon City si Cesar habang siya ay nag-iisa,
sinaktan siya at ni-rape. Hindi pa malinaw kung na-dismiss na ang kasong ito.

Ayon sa Nicolas & De Vega Law Offices, “A man who penetrates her wife without her
consent or against her will commits sexual violence upon her, and the Philippines…
defines and penalizes the act as rape under R.A. No. 8353.”

May kaukulang parusang pagkakakulong ang marital rape, depende sa diskresyon ng
korte. Hanggang sa ngayon, wala pang kaso ng marital rape ang naiakyat sa Korte
Suprema.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...