Power outage sa Panay at Negros Island, pinaiimbestigahan sa Kamara

PINASISILIP ni Deputy Majority Leader at Iloilo City Lone District Rep. Jam Baronda sa Kamara ang panibagong insidente ng power outage sa buong Panay Island at ilang bahagi ng Negros Island.

Iginiit ng mambabatas na nakakabahala na ang pangyayaring ito dahil hindi pa nga aniya natatapos ang imbestigasyon ng House Committee on Energy ukol sa region-wide power outages, may panibago na namang insidente ng pagkawala ng kuryente na malaking abala sa mga residente.

Tila aniya hindi pa natututo ng leksyon ang mga responsable at may pananagutan sa naturang power outage, kaya’t dapat gamitin ang congressional oversight power para sa kapakanan ng publiko.

Matatandaan na noong Agosto ng nakaraang taon, isinulong ng kongresista ang buong implementasyon ng interconnection ng Luzon at Visayas grids na dadaan sa Mindoro, bilang isa sa mga hakbang upang matugunan ang problema sa kuryente sa Isla ng Panay.

Kaya aasahan ng mga Ilonggo na magaganap ang imbestigasyong ito sa nalalapit na pagbubukas muli ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa buwang ito. 

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...