GOOD NEWS!
Simula sa Enero 3, 2024, magkakaroon nang dagdag na sahod ang mga kasambahay sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE), magkakaroon nang dagdag na buwanang sweldo na ₱500 ang mga kasambahay sa NCR, kaya aabot na sa P6,500 ang kanilang minimum na buwanang sahod.
Mayroon ding dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa Region XIII o Caraga Region, kaya ito’y magiging ₱385 na kada araw.
Samantala, madaragdagan ng ₱1,000 ang buwanang sweldo ng mga kasambahay sa Region XIII, kaya magiging ₱5,000 na ang kanilang buwanang sahod sa rehiyong ito.
Bukod pa rito, kailangang i-rehistro ng kanilang employer ang kasambahay sa Social Security System at PhilHealth para maging miyembro nito, at magkaroon ng benepisyo lalo na kung sila ay magkasakit.
Inaasahang aabot sa halos tatlong milyong kasambahay sa buong bansa ang makikinabang sa pagtataas ng kanilang sahod.
