Cash gift sa 80-90 anyos lalagdaan na ni PBBM

Magiging ganap na batas ang panukalang bibigyan ng cash gift ang senior citizens na mula 80-90 anyos kapag nilagdaan na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, naipadala na ng Senado sa Malakanyang ang kopya ng panukalang batas at hinihintay na lamang ang paglagda ng Pangulo.

Sa ilalim nang pinalawak na Centenarian Act of 2016 (CA 2016), tatanggap ang seniors ng halagang ₱10,000 kapag tumuntong sila sa edad na 80, 85, 90 at 95. Pero yaon lamang aabot sa edad na 100 ang makatatanggap ng cash gift na ₱100,000.

Mayroon ding isang sulat mula sa Pangulo na babati sa isang senior na umabot sa edad 100.

Bukod sa CA 2016, mayroong 29 pang panukalang batas ang aprubado ng Kamara at Senado na kailangang na lamang ng lagda ng Pangulo upang maging isang ganap na batas.

Kabilang sa mga panukalang ito ang Magna Carta for Filipino Seafarer, pagbabawal sa no- exam, no-permit policy ng mga paaralan at pamantasan, at panukala para sa pagbuhay sa industriya ng asin.

Samantala, kinondena ni Zubiri ang labis-labis na karahasan ng mga terorista laban sa mga  inosenteng sibilyan sa digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Nakalulungkot daw ang patuloy na bihag ang mga inosenteng sibilyan na hinostage ng Hamas sa unang araw pa lamang ng conflict.

“Neither freedom nor justice can truly be won through this kind of violence,” pagtatapos ni Zubiri.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Teenage pregnancy, dapat solusyunan – Gatchalian

KAILANGAN ang agarang pagpapatupad ng “Comprehensive Sexuality Education (CSE)”para sa mga kabataan. Ito ang binigyang-diin ni Sen. Win Gatchalian, matapos ilabas ang report na lomoloboang...