Aabot sa ₱88,400 na halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa Brgy. Bayan-Bayanan, Malabon City.
Narekober ang mga iligal na droga mula sa dalawang suspek na kinilalang sina alyas Josie, 38-anyos at alyas Pungay, 43-anyos, kapwa residente ng Barangay Hulong Duhat.
Ayon kay PCol. Jay Baybayan, hepe ng Malabon City Police Station, bandang 11:00 kamakalawa ng gabi noong December 16, nang madakip ang dalawa sa General Luna Street corner Esguerra Street, Brgy. Bayan-Bayanan, matapos ang ikinasang buy bust operation.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu at ₱500 buy-bust money.
Sa ngayon ay nakakulong ang dalawang suspek sa Malabon custodial facility.
Related Posts:
Rommel Marbil ng “Sambisig” ’91, bagong hepe ng PNP
Negosyante kinasuhan ng Perjury
Driver-bodyguard na sangkot sa missing beauty queen, sumuko na
Cara y cruz palit shabu, 4 huli
QC bumaba ang Crime rate
1 target, 3 bebot sumabit sa buy bust sa Pasay
Lalaki kulong sa pagbebenta ng baril sa Caloocan
Kaso ng cybercrimes sa bansa, tumaas sa 16,297 ngayong 2023
About Author
Show
comments