2 huli sa ₱105-K halaga ng shabu sa Taytay

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos mahuling nagsusugal ng cara y cruz sa kalsada na kung saan nang kapkapan ay nakuhanan naman ng aabot sa 15.3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱105,570.00, kahapon  ng madaling araw sa Taytay

Ayon sa report, nagpapatrolya ang tauhan ng Taytay Municipal Police Station bandang 4:00 Miyerkules ng madaling araw nang maaktuhang nagsusugal ng cara y cruz ang mga suspek na nakilalang lamang sa  alyas  “Juswa at Angelo”, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente ng Taytay, Rizal.

Sinita ang dalawa sa pagsusugal habang nag-alisan naman ang ilang miron sa kalsada at nang kapkapan ay tumambad ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na humigit kumulang 15 gramo at may standard drug price na aabot sa ₱105,570.00.

Nabatid na rumaraket ang dalawa para magbenta ng illegal na droga.

Kasalukuyang nakakulong sa Taytay Custodial Facility ang mga suspek at kinasuhan ng kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling at section 11, Article II of RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...