Bangkay ng lalaki natagpuang lulutang-lutang sa creek

0

Isang hindi pa nakikilalang  bangkay ng isang lalaki ang natagpuang lulutang-lutang sa creek ng Culiat sa likod ng  San Antonio Elementary School, Barangay Katipunan, Quezon City, kamakalawa.

Sa report ba nakalap mula sa tanggapan ng Quezon City Police District (QCPD), natagpuan ang bangkay bandang 11:15 Linggo ng tanghali sa Culiat creek.

Isang saksi na si Arnold Quezon y Tamo, 33-anyos, residente ng Mangga St.,  Barangay Katipunan Quezon City ang nagreport sa  tanggapan ng pulisya.

Agad na nagresponde sina PCpl Alejandro Capistrano at Pat Jestoni Suello sakay ng mobile at tinungo ang lugar na kung saan nakita ang bangkay.

Nagresponde sa lugar ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) at dinala  ang bangkay para makakuha ng impormasyon habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa kaso.

About Author

Show comments

Exit mobile version