Milyones ang talent fee sa E.A.T. Ng anak ni Francis m.

TILA lalo ngayong sumisikat ang bunsong anak na babae ni Francis Magalona na si Gail
Francesca Rait dahil regular na itong mapapanood sa E.A.T. nina Tito, Vic, at Joey sa TV5.


Ayon sa source ng BraboNews, aabot sa P100,000 ang buwanang talent fee Gail sa loob ng
isang buwan, kung tutuusin, aabot ito sa mahigit isang milyon sa loob ng isang taon. Ayon sa
E.A.T.m opisyal nang magsisimula si Gail sa Nobyembre 6.


Naiulat sa social media na diumano, nilusob daw ni Maxine, ang lanak ni Francis, ang E.A.T.
para usisain kung bakit ang diumano’y anak sa labas ang kinuha nilang cohost sa programa, sa
halip na ang lehitimong anak. Hindi pa ito kumpirmado ng BraboNews.


Kung sakaling totoo man ang chicang ito, lumalabas na hindi sport at maramot si Maxene.
Ayon sa isang netizen, ang E.A.T. ay isang noontime show na pinatatakbo bilang isang negosyo.
Kailangang kumuha sila ng cohost na makadaragdag sa rating o popularidad ng programa.

Sa pagitan nina Maxene at Gail, tiyak na mas panonoorin ng televiewers ang huli, dahil lumalabas
na mas sikat na ito kaysa kay Maxene at nag-generate nang malaking interest sa publiko ang
kanyang paglantad. Ang sabi pa nga ng netizen, dapat “no talk, no mistake” si Maxene.


Tila lumalabas na kontrabida at swapang din ang isang anak ni Francis na si Elmo. Diumano,
galit na galit daw ito nang nalamang papartihan ng mana ang kanyang half-sister na si Gail.

Matatandaang inamin ng kanilang inang si Pia na inihabilin ni Francis si Gaile bago ito
namatay, na pamanahan nang maski konti. Bilang respeto sa kahilingan ng kanyang asawa at sa
isang taong malapit nang mamatay, pumayag si Pia.


Kung totoo ang tinuran ni Elmo, tila wala siyang paggalang sa kanyang amang si Francis.


Ayon sa BraboNews research, may karapatan ang anak sa labas ng mana mula sa namayapa
nitong magulang. Isang parte ng mana para sa bawat lehitimong anak at kalahating parte para sa
anak sa labas. Pero dapat munang kilalanin ng nagpamana na siya nga ang biological na ama ng
bata. Kung wala mang opisyal na pagkilala, ang DNA test ang siyang magpapatunay kung si
Gail ay biological na anak ni Kiko.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...