₱2-M shabu nasabat sa Makati

Mahigit P2-M halaga ng shabu ang nasabat sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kung saan target ng Makati Police ang mga nakatakas na mga suspek, kamakalawa sa Xyris St.,Cor. Adelfa St, Brgy. Pembo, Makati City.

 Ayon sa report ng pamunuan ng Makati City Police Station, nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa pamamamaril sa isang lugar sa Brgy. Pembo. 

Agad na nagresponde ang mga tauhan ng Comembo Police Substation at nalaman na isang hindi kilalang lalaki ang nagpaputok ng baril makaraang makatunog na may pulis sa nagaganap na buy-bust .

Nang matunugan na may  PDEA operatives sa lugar, mabilis  na nagsikalasan ang mga suspek at isang alyas Queendy  ang nakapag-iwan ng Driver’s License sa inabandonang sasakyan.

Nakumpiska sa lugar ang tatlong knot-tied transparent plastic bags na naglalaman ng 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱2,040,000.00 

Kasakuluyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para mahuli ang mga suspek.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...