Kelot tinaga ng lolong kapitbahay

Kritikal ang isang 25-anyos na binata dahil sa kakulitan at pang-aasar sa isang 63-anyos na biyudo matapos ang mainitang pagtatalo, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Batay sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District director P/BGen. Rizalito Gapas, bandang 2:15 Miyerkules ng hapon

 nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima na si Elmer Angustia at suspek na isang senior citizen sa Pinagsabugan, Barangay Longos sa hindi pa batid na dahilan.

Personal na nasaksihan ni Imelda Baguhay, 54-anyos, ang pananaga ng biyudong kapitbahay kaya’t siya na mismo ang nagsugod sa kanyang anak sa Tondo Medical Center.

Nang matiyak  ni  Imelda na ginagamot na ang kanyang anak ay agad na siyang nagtungo sa Malabon Police Sub-Station 5 upang ireklamo ang kapitbahay.

Agad nagtungo sina P/Cpl. Herminio Gregorio, P/Cpl Noel Tindugan at Pat. Alexis Flores sa lugar at inaresto ang suspek, matapos na  ituro ng ina ng biktima na siya ang tumaga sa kanyang anak.

Nakumpiska ng pulisya ang itak na ginamit sa pananaga.

kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Malabon detention cell

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...