Anak ni Francis m. Sa flight attendant, dapat ipa-DNA test?

NAG-VIRAL ngayon sa social media na may anak si master rapper Francis Magalona sa isang
flight attendant.


Ayon kay Abegail Rait, nagsimula ang kanilang relasyon nang magkakilala sila ni Francis M sa
Eat Bulaga, noong 2006.


Nagbunga diumano ang kanilang relasyon. Kinalaunan, nalaman ni Rait na may sakit na noon si
Francis, hanggang sa naging malubha ang cancer nito at namatay habang buntis siya noon ang
kanilang anak.


Nang bigyan siya ng jersey ni Francis, tila raw may premonition na hindi maganda tungkol sa
master rapper.


“Gusto kong maalala mo itong jersey na ito habang suot ko, para everytime na ma-miss mo ako,
you just have to wear it or hug it, or place it beside you bago ka matulog,” ayon kay Abegail sa
isang interview sa vlog ni Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars.


Idinagdag pa niya, “So, ‘yun ‘yung story ng shirt na ‘yan na para bang… early premonition na o
i-keep mo ‘yan, that’s for you, that’s for our baby. And simula ng nasa hospital siya, lagi siyang
tumatawag everyday, itatapat ko ‘yung phone sa tiyan ko. Kasi nanganak ako Sept. 8, so eight
months ‘yung tiyan ko.”


“That’s the story of that shirt, na we exist–me and our daughter Cheska. He personally gave it to
me.”


Emosyonal na sinabi ni Rait na gumuho talaga ‘yung mundo niya, nang nalaman niyang may
malubhang sakit si Kiko – ang acute myelogenous leukemia (AML), na isang kakaibang uri ng
cancer ng dugo at bone marrow. Dahil marami raw silang plano, tapos bigla itong natigil dahil
sa pagkakasakit ng master rapper.


Namatay si Francis noong Marso 6, 2009. Sinabi pa ni Abegail na mismong si Francis daw ang nagbigay ng pangalan sa magiging baby nila noon – Gaile Francheska.


Mahilig daw kumanta at sumayaw si Gaile, bukod pa sa pagiging maganda at kahawig ni
Francis.


Kung tungkol sa jersey na may pirma at dedication pa ni Francis, binayaran ito ni Boss Toyo ng
P500,000 mula sa presyong P700,000 na hinihingi ni Abegail.


Samantala, hinahamon ng ilang netizens na dapat magpa-DNA test daw si Gaile para
mapatunayan kung totoong anak nga ito ni Francis.


Kahapon, umabot na sa 1.3 milyon ang views sa kwentong ito sa Pinoy Pawnstars, isang araw
pa lamang matapos i-upload.


Samantala, maraming netizens na nagmamalinis na akala mo’y walang anumang kasalanan ang
bumatikos kay Francis.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...