Sandara, namigay ng isang milyong cash

YAYAMANIN nga ba si Sandara Park?


Tila totoo ang tsismis na sobrang-yaman si Sandara o Dara, at siya ang richest K-pop idol, kahit
todo-deny siya rito.


Inamin kamakailan ni Dara sa South Korean variety series na Cultwo Show na namigay siya ng
isang milyong Korean Won, o katumbas ng mahigit P40,000 sa isang taong hindi niya-kaano-
ano.


Napag-usapan sa programa ang kaugalian sa Korea ang pagbibigay ng pera sa host ng isang
okasyon kagaya ng kasal o libing. “Congratulatory money” ang tawag ng Koreans dito.
Ang pera na nakalagay sa isang envelope ay isang regalo, na ibibigay sa bagong kasal para
makatulong mabayaran ang ginastos sa reception.


Sa Pilipinas lumaki si Dara kasama ang kanyang mga magulang, kaya hindi niya alam ang
kaugaliang ito sa Korea.


Ni-recall niya na minsa’y nagbigay siya ng isang milyong Won o katumbas ng P42,101 sa isang
kakilalang lalaki. At nang nagkita silang muli, inilibre si Dara ng lalaki ng beef.

Alam na ni Sandara na hindi naman kailangang malaking halaga ang ibibigay sa mga ganitong
okasyon o hindi naman masyadong maliit, basta tama lamang, depende kung malapit na kamag-
anak o close friend ang pagbibigyan.


Unang sumikat sa Pilipinas si Sandra nang Manalo sa Star Circle Quest 2004 ng ABS-CBN.
Dahil sa patuloy niyang pagsikat sa bansa magmula noong 2004, patuloy ding lumaki ang
interes ng mga Pilipino sa Korean telenovela at K-pop.


Pagkatapos nito, umangat ang kanyang K-pop career sa dating grupong 2NE1 matapos mag-
artista sa Pilipinas.


Tinatayang mayroon daw halos 30 bilyon Won o P1.2 bilyon, ang assets ni Sandra, pero ito’y
itinanggi niya. Hindi kaya 29.9 bilyon Won lang?

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...