Top 2 most wanted person ng Samar, timbog sa Valenzuela

Naaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ang isang lalaki na kabilang sa top 2 most wanted person ng Samar habang nakakulong sa Valenzuela City Jail (VCJ) matapos na unang madakip sa illegal drug operation.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang akusado na si Lemuelle Dacles, alyas “Noynoy”, 29-anyos, residente ng Sacred Heart Compound, Brgy., Canumay West at kabilang sa listahan ng top 1 most wanted person naman ng Calbayog City Police Station.

Ayon kay Col. Destura Jr, unang nahuli ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo si Dacles noong June 27, 2023 sa buy-bust operation sa Santolan Service Road, Brgy. Gen. T. De Leon at nakuha sa kanya ang nasa 9.27 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P63,036.00.

Nang magsagawa naman ng beripikasyon ang mga tauhan ng WSS ay napag-alamang wanted si Dacles sa Samar dahil sa kasong statutory rape’.

Bandang 3:45 kamakalawa ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ng WSS  kay Dacles sa loob ng VCJ ang warrant of arrest na inilabas ng Calbayog City, Samar Regional Trial Court, Branch 31, na may petsang December 3, 2021, at walang inirekomendang piyansa.

Nakipag-ugnayan na ang Valenzuela Police station sa Calbayog City Police Station hinggil sa pagkakadakip kay Dacles na mananatiling nakapiit sa VCJ habang dinidinig ang kanyang kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...