P340-K na Halaga ng shabu, nakumpiska sa Pasig

NAKUMPISKA ng Pasig Police ang diumano’y shabu, na nagkakahalaga ng P340,000, at
nahuli ang isang high-value drug suspect sa isang buy-bust operation sa lungsod nitong
Biyernes ng umaga.


Nahuli ng mga operatiba ng Pasig City Police Station’s Drug Enforcement Unit ang isang 24-
taong drug suspect na kinilala lamang na alias Kevi, residente ng Taguig City, sa isang
operasyon na isinagawa sa Kalye Jimenez, Barangay Kalawaan, Pasig City.


Nakumpiska mula sa suspek ang 11 piraso ng hinihinalang shabu na nakalagay sa 11 piraso ng
plastic sachet. Bawat isa ay tumitimbang nang halos 50 gramo, na may street value na
P340,000. Nakuha rin sa suspek ang isang coin purse, P200 na buy-bust money at P8,000
boodle money.


Nakakulong ngayon ang suspek sa Pasig City Police Station custodial facility, at kakasuhan
nang paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...